Nilathala ni: Aling Maliit
Single ka ba? Baka naman may iniirog ka? O mahal mo ang pamilya mo? O kaya naman pag-ibig mo ang mga kaibigan mo? Punta na sa Single Ancestry sa Magsaysay Avenue katabi ng Petron. Patok na patok ito lalo pa't papalapit na ang Araw ng mga Puso.
Ang Single Ancestry ay 'di hango sa nag-iisang ninuno, sapagkat ito'y isang coffee shop at restaurant. Ito ay isang bagong atraksiyon dito sa siyudad ng Naga.
Pagpasok pa lamang ay mapapansin na ang mga pader na pinalamutian ng iba't ibang mga artsy na disenyo na kung saan nakalahad ang mga presyo ng mga pagkain. Mapupuna rin ang kalinisan ng lugar. Mababatid din sa Single Ancestry ang bilis ng internet! Ang tema ng Single Ancestry ay "urban-modern," ayon sa isang mamimili kaya naman pala ang mga upuan nila ay walang back support.
Ang aking mga mata ay nagutom bigla nang masilayan ang mga pagkain at ang mga ito'y nagmumula ₱90 at umaabot hanggang ₱175 o higit pa. Kaya kung dadayo man, dapat sapat ang dalang pera o kaya may pa-sobra pa.
Masarap ang pagkain pero tila parang walang kakaibang lasa't tulad lang ng ibang mga coffee shop sa Magsaysay. Napansin ko rin na medyo may katagalan ang paghain nila ng pagkain at niluto at inihanda na ang mga ito kaya nama'y malamig na pagdating sa mga mamimili. Para bang ininit sa microwave, subalit nag-aabiso naman sila kung ilang oras ang waiting time.
Wala akong masasabi sa mga empleyado ng Single Ancestry dahil lahat sila pawang mga palakaibigan. Sa katunayan, guwapo yung barista!
Kung ako ang tatanungin, tatlong bituin sa limang bituin ang mabibigay ko sa Single Ancestry. Kung naghahanap man kayo ng lugar na mapapagtambayan at mapapagchibugan, ito ang lugar para sa inyo.
Ang mga sumusunod na larawan ay kinuha ko mismo sa Single Ancestry noong nakaraang Linggo:
![]() |
| Matcha Cheesecake ₱135.00 |
![]() |
| Tuna Pasta with Garlic Bread ₱175 |
| Hot Chocolate ₱90.00 |


0 comments