La Isla Puting Bato



Sa umaga ng ika-27 ng Pebrero sa Penafrancia Ave., patuloy ang demolition team sa paggiba ng mga bahay, samantalang ang mga pinaghirapang ipundar na mga bahay ay nawasak lamang malipas ang ilang oras.
Ang pagbuwag sa mga bahay ay dulot ng road widening project ng gobyerno mula Penafrancia Avenue, San Felipe hanggang Pacol. 
Pinaniniwalaan na nakatira sa mga bahay na ito ang mga lulong sa droga pati na rin ang mga drug lords.
Dahil sa pagwasak ng mga bahay, nagkaroon ng mabigat na trapik sa Penafrancia Avenue at nawalan ng mga tahanan ang mga pamilyang matagal nang nananatili sa tabi ng daan.

Mababakas sa mga larawan sa ibaba na naging maaliwalas ang paligid ng simbahan at matatanaw ang ilog na may bagong rip-rap. 







You Might Also Like

0 comments