Wakas na Pag-ibig




Di ko alam bakit ako nakatayo dito sa harap niyo,
Di ko alam kung marunong ako mag spoken words,
Di ko alam kung memorize ko ang aking piyesa,
Di ko alam kung magugustohan niyo ba ang aking mga ibibigkas
Pero heto, sige.

Magsisimula na ako,
magsisimula ako sa panahon
kung saan kinukwestyon ko ang aking sarili
kung bakit ako?

Bakit ako na isang makasalanang nilalang
ay karapat dapat sa kanyang walang katapusang pagmamahal.

Isang ako na magnanakaw,
isang ako na sinungaling,
isang ako na madamot,
duwag,
mayabang,
mamamatay tao,
walang kwenta,
mata pobre,
lagging iniisip ang sarili
Ay mamahalin niya na walang hinihinging kapalit.

Sa panahon na gutom na gutom ako sa pagmamahal ni crush
na tila parang wala ka ng pag-asa,
sa magulang mong kulang ang ibinibigay na pag-ibig sayo,
nanjan siya para busugin tayo sa kanyang pagmamahal,

Nariyan siya sa mga oras na sa tingin mo ay wala kang kakampi dito sa mundong ibabaw.
Sa mga panahong gipit ka
at tila pagnanakaw nalang ang tanging solusyon,
nariyan siya at handang magpatawad.

Nakakalungkot man isipin na,
Sinakripisyo niya ang kanyang tanging anak na si Hesus
Upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan,
Oero wow,

Heto ako gumagawa ng panibagong kasalanan.
At di ba sa tuwing nahihirapan tayo.
Kapag sunod-sunod ang mga problemang dumarating
di ba sinisisi natin siya?

Sabay tanong,
“Why God? Why?”
Bakit mo ako iniwan,
Bakit kung kelan kailangan kita ay wala ka?

Bakit?
Bakit?
Bakit hinayaan mong mangyari ito sa akin?

Di ba nakakalungkot isipin na tinatawag natin siya kapag may kailangan tayo?
Kapag may gusto tayong makamit?
Di ba pangalan niya agad ang ating binibigkas?

Pero kapag masaya ka na,
kapag sa tingin mo ang ganda ng buhay,
di ba minsan nakakalimutan natin siya?

Ikaw ba nagpasalamat ka na ba sa almusal na kinakain mo tuwing umaga?
Nagpasalamat ka na ba sa suot mong branded na damit?
Sa bagong vans mo na katabi mo lagi sa pagtulog?

Tatanungin kita,
Karapat-dapat ka ba sa kanyang pagmamahal?

You Might Also Like

0 comments